Tuesday, February 9, 2010

The photos I fell inlove with....


I was browsing one of my facebook friends' pages when I found these photos I fell in love with...

I'm really an art enthusiast,,, whatever form of art it is, I would surely appreciate and love it... One of my biggest dreams is to have my own "SUPER" camera (one which most photo artists have) so I could capture every unique moment of my artistic life... This is the reason why I easily fell in love with these photos...













She captured these beautiful auroras while she's in Alaska... Amazing, isn't is? (Well, she also has eyes for arts...) Actually, I've seen a lot of these before,,, on television, internet, pictures, etc... But I was not that amazed... I told myself that these auroras could only make my heart fall if their images and information would come from a trusted friend or family (best if I will see them with my own naked eyes...)... And now.... It happened.... A trusted friend has posted these photos, shot by herself alone, and had made my heart fell on the ground.... *sigh* I'm really loving them...











Aurora is one of God's greatest arts... My friend is so lucky to witness them because not all of us living in this planet could see the beauty of these north lights....

I really envy her... ;) I definitely would be the happiest person on Earth if I could also witness the beauty of aurora... ;)

Guess what? I've made a commitment to myself... I'll go to Alaska and see these miracles with my own naked eyes before I die... hehehe...(with finger crossed) ;)

(Thanks to Aya for these beautiful photos...)

Friday, January 29, 2010

Tatak Bob Ong

Ang ABNKKBSNPLAko, Paboritong Libro ni Hudas at McArthur ay ang mga aklat ni BOB ONG na talaga namang tumatak sa puso, isip, buto at laman ko... Nagustuhan ko sila... Okay din naman 'yung 3 pang iba (Bakit baliktad magbasa ng Libro ang mga Pinoy? , Alamat ng Gubat at Stainless Longganisa) kaya lang meron talagang kakaibang dating 'yung 3 una kong nabanggit... 'Yung bago naman niyang siinulat: KAPITAN SINO?, e hindi ko p nababasa... Hindi pa din ako nakakakita ng kopya nito sa tunay na buhay,,, puro sa net lang... Pero sa tingin ko maganda din ang effect nito sa puso, isip, dugo at laman ko... hahahaha.... Wala lang,,, ang sarap tumawa... Para sa kapakanan ng mga ignorante (peace! ;>), ito ang mga aklat ni BOB ONG at ang tema ng mga nilalaman nito ayon sa sarili kong interpretasyon:

ABNKKBSNPLAko?!

Tema: Tungkol sa kanyang
mga kalokohan, kabiguan at
muling pagbangon.



Bakit baliktad magbasa
ng Libro ang mga Pinoy?

Tema: Inilalarawan ang
buong aspeto ng pagiging
Pinoy.


Paboritong Libro ni Hudas

Tema: Future (-istic
Separation of) Church and
State (hahaha)


Alamat ng Gubat

Tema: The Philippine Society



Stainless Longganisa

Tema: Mga manunulat at
ang kanilang indutriya (parang
feasibility study lang ah...
peace! ('.')v)




McArthur
Tema: Drug addiction
of juveniles =>



Kapitan Sino?

Tema: hindi ko pa 'to nababasa
pero sa tingin ko tungkol ito
sa ISANG tunay na bayani at isang
bilyong pekeng bayani.


Pero kahit anupaman ang maging pamagat at tema ng mga susulatin niya, okay lang,,, marami pa din naman magbabasa no'n... Kasi totoong tao ang nagsulat, hindi isang unggoy na nagpapanggap lamang na tao... hehehe... Minahal na ng mga mambabasa si BOB ONG... ...at sana balang araw, lahat ng Pilipino ay "BOB ONG" na din... We need billions of him in this God damn planet! Whoa!

Thursday, June 25, 2009

Tropapips!!!!


Dito ako masaya... Sa piling ni tropa....






Ginawa ko ang slide show na'to nung kasagsagan pa ng pagkahumal ko sa barkada... Lagi kaming may outing... Wala akong magandang kodak pero pinag-cha-tiyagaan ko na ang kamera ng telepono ko... 1.3 megapixel lang siya kaya mejo malabo... Lahat ng litrato dito kuha sa china phone ko kaya mejo pangit ang graphics... Pero wala akong pakialam! Laitin mo na 'yan hanggang gusto mo! Dahil oras na makita kita,,,,,, pipikchuran kita! Bwahaha! Para mukha mo naman ang malait ng madlang tao,,,, mukha mo naman ang malalagay sa napakapangit na graphics!!! Quits!!!

Friday, June 12, 2009

7 Wonders of Nature

Ito ang aking "7 wonders of nature"! Akin 'to... Bwhahahaha...

1. Puerto Prinsesa Subterranean River(Philippines)














Isa sa mga pangarap kong mapuntahan ang lugar na ito.... "Pangarap" kasi imposible itong marating ng isang hamster na tulad ko... Dito lang sa lugar na 'to ako papayag ma-murder. Kung hindi rin lang dito, e wag na lang... Ikaw na lang sana ang ma-murder...


2. Blue Hole(Guam)



















Nung una kong makita ang picture na 'to, hindi ako naniwala na may nag-eexist na ganito sa mundo... Feeling ko niloloko lang ako ng lahat ng tao... Feeling ko napagkakaisahan na 'ko... Dahil ba hindi ako marunong mag-photo shop? Tang'na! Meron ba talagang ganitong lugar? Parang sobrang perpekto kasi ng pagkagawa at konsepto nito... Kaya nag-research ako... Hinanap ko lahat ng pwedeng basahin sa net tungkol dito... Maraming articles... Mukhang totoo nga ang Blue Hole... Entry pa siya sa "7 Wonders of Nature"... Pero kung akala niyo mapapaniwala niyo ko d'yan, manigas kayo!

Hanggang ngayon, hindi pa din ako naniniwala dito... Unless, makapunta ako d'yan... Kaya 'yung mga gustong kumumbinsi sa 'kin,,,,, hehehe,,,, alam na.... ;>

3. Yak Loum Lake(Cambodia)














Mejo nababahuan ako sa pangalan ng isang 'to... Pero okay lang,,, maganda pa din... Hindi naman halatang mahilig ako sa anyong-tubig,,, mas gusto ko 'to kesa naman sa anyong-tao pero bakulaw pala... wahihi!!

Napakaganda siguro dito... Refreshing... Imaginin mo naman, nasa ilalim ka ng puno at nakatanaw sa napakagandang lawa na 'yan,,,, parang nasa paraiso ka na... Pwede ka nang mamatay!!!!


4. Yu Shan(Chinese Taipei)















'Eto! 'Eto talaga ang langit!!! Kung sa Yak Loum Lake pwede ka nang mamatay pag napunta ka,,, dito naman patay ka na talaga pag napunta ka!!!! Wahaahahaha... Heaven!!!


5. Baekdu Mountain(China/North Korea)













Ito naman, parang lugar lang sa final fantasy... Hindi din kapani-paniwala... Pero infairness naman, maganda siya talaga! Kaya lang mukha talaga siyang cartoons...


6. Lake Saimaa(Finland)


















Hindi naman 'to ganun kaganda para sa 'kin! Naakit lang talaga ko sa tubig!

Mukhang masama na 'to... Sobra na ko ma-attract sa tubig... Baka ikamatay ko 'to ah... tsk, tsk, tsk...


7. Grand Canyon(United States)















Para masabi kong hindi na ko attracted sa water, isasama ko na 'tong Grand Canyon sa choices ko ng "7 Wonders of Nature"... hehehe... O 'di bah? Safe!

Friday, March 28, 2008

Ang Pinoy at ang LRT

Ako ay Pilipino at ito ang buhay ko...

Maaga akong gumigising sa umaga☼... Siyempre estudyante! Kailangan makapasok sa tamang oras... Siguro dalawang oras ang ibinibigay ko sa sarili ko para makapagbihis, at dalawang oras din para sa biyahe... Ewan ko, pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit pag nagbibihis ako e parang nasa pelikula na nasa parte na kailangang i-slow motion,,, sobra sa bagal... Pero hindi naman siguro ako nag-iisa sa mundo,,, marami kaming gano'n noh! (Makapagtayo ng organisasyon, tiyak maraming magpapa-miyembro...) Siguro, marami nga sa mga Pilipino ang nirarayuma kaya maraming hindi makakilos ng mabilis... Dapat tamang sasabay ka lang sa tiyempo ng mga mellow o 'di kaya e classical songs♪ na nauso pa noong panahon ng Salbakuta♂, 'diba?!?!?! Ay,, wait! Panahon pala ni Barry Manilow at ng Air Supply♫...
SWABE...!!!

Sa biyahe, tantsado ko ang oras ko... (tik, tak, tik, tak) Laging
SAKTO! Mula sa bahay hanggang sa iskul, kasama na ang heavy traffic at paglakad,,, eksatkto ang dalawang oras, (sa tinagal-tagal ko nang bumabiyahe, malamang naka-record na 'yon sa dugo at laman ko!) kaya 'pag pumalpak ka ng kahit kaunting minuto, late ka na... At 'pag malakas talaga ang sumpa ni Tanas sa'yo, mamalasin ka talaga, masisiraan ang tren na sinasakyan mo,,, babagal ang andar nito,,, aakalain mong baka nanakaw ni boy bakal ang riles kaya sa kalsada na lang dumaan ang tren, at ang nauunang sasakyan sa inyo ay isang karo ng patay(patay na! late na!),,, pero imahinasyon mo lang pala 'yon,,, matatauhan ka dahil bigla mong maririnig ang asawa ni manong drayber, na may malamig at magandang boses na nagsasabing, "You're insane, asshole!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Ay! Teka, teka,,, mali yata... 'Eto pala, "Train destination to Recto will be delayed for five(5) minutes due to some technical problems. " SWAK!!! 'Yun na nga!!! Na-flat na ang tren!!!!!!!!! Hinde,,, joke lang!!! O.A. ka naman! Basta,,, nasiraan na ang tren!!! Kung anuman ang nasira do'n, makina man ng tren o ulo ng drayber ng tren, e hindi natin alam, pero ikaw na pasahero ay magre-react!!!

Karaniwan na naririnig sa Pinoy pag ganitong sitwasyon ay mga
MURA... Oo, PAGMUMURA nga! Iba-iba... May mumurahin ang nanay ng katapat niya(PIM)... Meron ding sasabihin na BUWISIT ang katabi niya... 'Pag sosyal naman, sasabihin n'yang JEBS ang kaharap niya(in English,, SIYET!)... At 'pag hindi naman nagmumura, igagala ang mga mata sa paligid, nanghuhula at nagtatanong sa sarili, "Sino kaya ang may balat sa puwet?!"... 'Yan,,, ganyan nga tayo... Kahit wala naman talagang kinalaman ang mga taong ito sa pagka-delayed ng tren... Pare-pareho lang ng nararamdaman kasi pare-pareho lang ng ugali,,, mga ugaling SAKTO!!! Pare-parehong male-late...

Pero kahit gano'n, masarap talagang mag-LRT... Masaya kasi eh! Maaliw ka sa mga taong nasa paligid mo... Sobrang nakakaaliw... hihihi!☻ (Hoy! Anong
"ALIW" ang iniisip mo ha?! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin... Loko ka ha!) Bakit ba 'kamo?! Unang-una,,, kahit nasa labas pa lang sila ng istasyon, basta marinig o makita nilang padating na ang tren, nagtatakbuhan na sila na para bang nasa riot! Kahit alam naman nila na hindi sila aabot... Kakaiba talaga! Siguro iniisip nila na baka dun sa tren na 'yon sumakay si San Pedro at iyon na ang tren na biyaheng langit... Ang maiwan pangit... Siguro dahil dito kaya hindi nalalaos ang larong "TRACK AND FIELD"...

Pagpasok mo naman sa istasyon, makikita mo ang pila ng
"PERA O BAYONG" na sobrang haba!!! Grabe talaga,,, sasakay ka lang ng LRT pwede ka pang manalo ng 1M pesosesoses... Ang saya talaga... (Hindi naman siguro halata na masyado kong ipino-promote ang LRT, noh?!) Hay...!!! Hindi pala pila ng "PERA O BAYONG" 'yon,,, pila 'yon ng mahiwagang ticket na magdadala sa'yo sa langit! Kaya dapat walang sisingit!

Pagtigil ng tren, hihintayin na ng mga tao na bumukas ang mahiwagang pinto... Pagbukas ng pinto, meron nang panibagong laro,,,
"TRIP TO JERUSALEM" naman... Mga excited umupo... Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa sila sa ganitong sistema. Meron naman sigurong upuan sa bahay nila 'diba?! O baka naman first time nilang sumali sa "TRIP TO JERUSALEM"???¿¿¿...

Bihira akong makaupo sa tren,,, ayoko kasing sumali sa trip nila... Wala naman kasing premyo e... Minsan pa, 'pag nakakaupo ako, ipinapamigay ko pa sa mga matatanda, may kapansanan at buntis ang upuan ko... Masaya naman sa pakiramdam... Para 'kong bayani... Akala ko nga nung minsang pinaupo ko 'yung isang buntis e ipagpapatayo na niya ako ng monumento... Hindi kasi matapus-tapos 'yung pasasalamat n'ya e... Pero sa ginawa kong iyon, ang hangarin ko ay hindi ang pasalamatan ako ng tao, kundi magbigay aral,,,,, aral at insulto na din sa mga kalalakihang hindi makaramdam ng pangangailangan ng kapwa nila Pilipino... Kahit man lang sa buntis at may kapansanan, e, sana, makaramdam naman sila... Por Diyos por santo naman...

May isa pang masaya sa LRT,,, pag-pababa na... Marathon naman... Wala akong ideya kung bakit kailangan nilang tumakbo palabas ng tren. Hindi naman siguro umaalis sa pwesto ang escalator kahit umaandar ito,,, at lalong hindi naman sila iiwan ng hagdan?! Am I right or left?! Bakit ba lagi silang nag-uunahansa paglabas ng istasyon, kahit wala naman premyong lapis na may drowing na power puff girls para sa mauuna,,, at hindi din naman ili-letha injection ang pinakahuling lalabas???... Ewan ko ba kung bakit gano'n!?

Ang pinaka-exciting na laro sa byahe ko ay ang
"PATINTERO"... Para sa kaalaman ng mga minamahal kong mambabasa, ito ay laro kung saan ang mga sasakyan ang laging taya at ikaw ang kalaro nila...(Karagdagang impormasyon: ang larong ito ay nabuo dahil sa kawalan ng overpass sa Legarda station←↓↨↑→) Walang premyo para sa mananalo,,, pero malaki ang mawawala sa matatalo... Kakampi nila si kamatayan laban sa kaawa-awang "IKAW"... Oo, nag-iisa ka! Wala kang kakampi!!!! At ang pusta,,, ang priceless mong †BUHAY†... WAHAHAHAHA!!! Katapusan mo na!!! hikhikhi!☻ (Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka nang magtangkang sumali!!!) Wala sanang larong ganito kung may overpass sa Legarda... At hindi sana kailangan ipusta ang buhay mo kung ang bawat drayber ng sasakyang kalaro mo, e, mapagbigay... At sa totoo lang, sa ating mga Pilipino, swerte na kung makahanap ka ng may gano'ng ugali...

Sa simpleng paglalakbay patungo sa iskwelahan, kayang-kaya nang makilala at ipakilala sa lahat at sa buong mundo ang ugaling
"NOYPI"...

Ikaw!→ Kung sino ka man! Malamang na
"PINOY" ka... At sana'y may nahuli kang isda dito sa mumunting isinulat ko tungkol sa lahi mo...