Friday, January 29, 2010

Tatak Bob Ong

Ang ABNKKBSNPLAko, Paboritong Libro ni Hudas at McArthur ay ang mga aklat ni BOB ONG na talaga namang tumatak sa puso, isip, buto at laman ko... Nagustuhan ko sila... Okay din naman 'yung 3 pang iba (Bakit baliktad magbasa ng Libro ang mga Pinoy? , Alamat ng Gubat at Stainless Longganisa) kaya lang meron talagang kakaibang dating 'yung 3 una kong nabanggit... 'Yung bago naman niyang siinulat: KAPITAN SINO?, e hindi ko p nababasa... Hindi pa din ako nakakakita ng kopya nito sa tunay na buhay,,, puro sa net lang... Pero sa tingin ko maganda din ang effect nito sa puso, isip, dugo at laman ko... hahahaha.... Wala lang,,, ang sarap tumawa... Para sa kapakanan ng mga ignorante (peace! ;>), ito ang mga aklat ni BOB ONG at ang tema ng mga nilalaman nito ayon sa sarili kong interpretasyon:

ABNKKBSNPLAko?!

Tema: Tungkol sa kanyang
mga kalokohan, kabiguan at
muling pagbangon.



Bakit baliktad magbasa
ng Libro ang mga Pinoy?

Tema: Inilalarawan ang
buong aspeto ng pagiging
Pinoy.


Paboritong Libro ni Hudas

Tema: Future (-istic
Separation of) Church and
State (hahaha)


Alamat ng Gubat

Tema: The Philippine Society



Stainless Longganisa

Tema: Mga manunulat at
ang kanilang indutriya (parang
feasibility study lang ah...
peace! ('.')v)




McArthur
Tema: Drug addiction
of juveniles =>



Kapitan Sino?

Tema: hindi ko pa 'to nababasa
pero sa tingin ko tungkol ito
sa ISANG tunay na bayani at isang
bilyong pekeng bayani.


Pero kahit anupaman ang maging pamagat at tema ng mga susulatin niya, okay lang,,, marami pa din naman magbabasa no'n... Kasi totoong tao ang nagsulat, hindi isang unggoy na nagpapanggap lamang na tao... hehehe... Minahal na ng mga mambabasa si BOB ONG... ...at sana balang araw, lahat ng Pilipino ay "BOB ONG" na din... We need billions of him in this God damn planet! Whoa!