Friday, March 28, 2008

Ang Pinoy at ang LRT

Ako ay Pilipino at ito ang buhay ko...

Maaga akong gumigising sa umaga☼... Siyempre estudyante! Kailangan makapasok sa tamang oras... Siguro dalawang oras ang ibinibigay ko sa sarili ko para makapagbihis, at dalawang oras din para sa biyahe... Ewan ko, pero hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung bakit pag nagbibihis ako e parang nasa pelikula na nasa parte na kailangang i-slow motion,,, sobra sa bagal... Pero hindi naman siguro ako nag-iisa sa mundo,,, marami kaming gano'n noh! (Makapagtayo ng organisasyon, tiyak maraming magpapa-miyembro...) Siguro, marami nga sa mga Pilipino ang nirarayuma kaya maraming hindi makakilos ng mabilis... Dapat tamang sasabay ka lang sa tiyempo ng mga mellow o 'di kaya e classical songs♪ na nauso pa noong panahon ng Salbakuta♂, 'diba?!?!?! Ay,, wait! Panahon pala ni Barry Manilow at ng Air Supply♫...
SWABE...!!!

Sa biyahe, tantsado ko ang oras ko... (tik, tak, tik, tak) Laging
SAKTO! Mula sa bahay hanggang sa iskul, kasama na ang heavy traffic at paglakad,,, eksatkto ang dalawang oras, (sa tinagal-tagal ko nang bumabiyahe, malamang naka-record na 'yon sa dugo at laman ko!) kaya 'pag pumalpak ka ng kahit kaunting minuto, late ka na... At 'pag malakas talaga ang sumpa ni Tanas sa'yo, mamalasin ka talaga, masisiraan ang tren na sinasakyan mo,,, babagal ang andar nito,,, aakalain mong baka nanakaw ni boy bakal ang riles kaya sa kalsada na lang dumaan ang tren, at ang nauunang sasakyan sa inyo ay isang karo ng patay(patay na! late na!),,, pero imahinasyon mo lang pala 'yon,,, matatauhan ka dahil bigla mong maririnig ang asawa ni manong drayber, na may malamig at magandang boses na nagsasabing, "You're insane, asshole!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Ay! Teka, teka,,, mali yata... 'Eto pala, "Train destination to Recto will be delayed for five(5) minutes due to some technical problems. " SWAK!!! 'Yun na nga!!! Na-flat na ang tren!!!!!!!!! Hinde,,, joke lang!!! O.A. ka naman! Basta,,, nasiraan na ang tren!!! Kung anuman ang nasira do'n, makina man ng tren o ulo ng drayber ng tren, e hindi natin alam, pero ikaw na pasahero ay magre-react!!!

Karaniwan na naririnig sa Pinoy pag ganitong sitwasyon ay mga
MURA... Oo, PAGMUMURA nga! Iba-iba... May mumurahin ang nanay ng katapat niya(PIM)... Meron ding sasabihin na BUWISIT ang katabi niya... 'Pag sosyal naman, sasabihin n'yang JEBS ang kaharap niya(in English,, SIYET!)... At 'pag hindi naman nagmumura, igagala ang mga mata sa paligid, nanghuhula at nagtatanong sa sarili, "Sino kaya ang may balat sa puwet?!"... 'Yan,,, ganyan nga tayo... Kahit wala naman talagang kinalaman ang mga taong ito sa pagka-delayed ng tren... Pare-pareho lang ng nararamdaman kasi pare-pareho lang ng ugali,,, mga ugaling SAKTO!!! Pare-parehong male-late...

Pero kahit gano'n, masarap talagang mag-LRT... Masaya kasi eh! Maaliw ka sa mga taong nasa paligid mo... Sobrang nakakaaliw... hihihi!☻ (Hoy! Anong
"ALIW" ang iniisip mo ha?! Hindi 'yan ang ibig kong sabihin... Loko ka ha!) Bakit ba 'kamo?! Unang-una,,, kahit nasa labas pa lang sila ng istasyon, basta marinig o makita nilang padating na ang tren, nagtatakbuhan na sila na para bang nasa riot! Kahit alam naman nila na hindi sila aabot... Kakaiba talaga! Siguro iniisip nila na baka dun sa tren na 'yon sumakay si San Pedro at iyon na ang tren na biyaheng langit... Ang maiwan pangit... Siguro dahil dito kaya hindi nalalaos ang larong "TRACK AND FIELD"...

Pagpasok mo naman sa istasyon, makikita mo ang pila ng
"PERA O BAYONG" na sobrang haba!!! Grabe talaga,,, sasakay ka lang ng LRT pwede ka pang manalo ng 1M pesosesoses... Ang saya talaga... (Hindi naman siguro halata na masyado kong ipino-promote ang LRT, noh?!) Hay...!!! Hindi pala pila ng "PERA O BAYONG" 'yon,,, pila 'yon ng mahiwagang ticket na magdadala sa'yo sa langit! Kaya dapat walang sisingit!

Pagtigil ng tren, hihintayin na ng mga tao na bumukas ang mahiwagang pinto... Pagbukas ng pinto, meron nang panibagong laro,,,
"TRIP TO JERUSALEM" naman... Mga excited umupo... Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa sila sa ganitong sistema. Meron naman sigurong upuan sa bahay nila 'diba?! O baka naman first time nilang sumali sa "TRIP TO JERUSALEM"???¿¿¿...

Bihira akong makaupo sa tren,,, ayoko kasing sumali sa trip nila... Wala naman kasing premyo e... Minsan pa, 'pag nakakaupo ako, ipinapamigay ko pa sa mga matatanda, may kapansanan at buntis ang upuan ko... Masaya naman sa pakiramdam... Para 'kong bayani... Akala ko nga nung minsang pinaupo ko 'yung isang buntis e ipagpapatayo na niya ako ng monumento... Hindi kasi matapus-tapos 'yung pasasalamat n'ya e... Pero sa ginawa kong iyon, ang hangarin ko ay hindi ang pasalamatan ako ng tao, kundi magbigay aral,,,,, aral at insulto na din sa mga kalalakihang hindi makaramdam ng pangangailangan ng kapwa nila Pilipino... Kahit man lang sa buntis at may kapansanan, e, sana, makaramdam naman sila... Por Diyos por santo naman...

May isa pang masaya sa LRT,,, pag-pababa na... Marathon naman... Wala akong ideya kung bakit kailangan nilang tumakbo palabas ng tren. Hindi naman siguro umaalis sa pwesto ang escalator kahit umaandar ito,,, at lalong hindi naman sila iiwan ng hagdan?! Am I right or left?! Bakit ba lagi silang nag-uunahansa paglabas ng istasyon, kahit wala naman premyong lapis na may drowing na power puff girls para sa mauuna,,, at hindi din naman ili-letha injection ang pinakahuling lalabas???... Ewan ko ba kung bakit gano'n!?

Ang pinaka-exciting na laro sa byahe ko ay ang
"PATINTERO"... Para sa kaalaman ng mga minamahal kong mambabasa, ito ay laro kung saan ang mga sasakyan ang laging taya at ikaw ang kalaro nila...(Karagdagang impormasyon: ang larong ito ay nabuo dahil sa kawalan ng overpass sa Legarda station←↓↨↑→) Walang premyo para sa mananalo,,, pero malaki ang mawawala sa matatalo... Kakampi nila si kamatayan laban sa kaawa-awang "IKAW"... Oo, nag-iisa ka! Wala kang kakampi!!!! At ang pusta,,, ang priceless mong †BUHAY†... WAHAHAHAHA!!! Katapusan mo na!!! hikhikhi!☻ (Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka nang magtangkang sumali!!!) Wala sanang larong ganito kung may overpass sa Legarda... At hindi sana kailangan ipusta ang buhay mo kung ang bawat drayber ng sasakyang kalaro mo, e, mapagbigay... At sa totoo lang, sa ating mga Pilipino, swerte na kung makahanap ka ng may gano'ng ugali...

Sa simpleng paglalakbay patungo sa iskwelahan, kayang-kaya nang makilala at ipakilala sa lahat at sa buong mundo ang ugaling
"NOYPI"...

Ikaw!→ Kung sino ka man! Malamang na
"PINOY" ka... At sana'y may nahuli kang isda dito sa mumunting isinulat ko tungkol sa lahi mo...

Thursday, March 6, 2008

Artista Ako!!!

Ano ba ang isang artista ?

Ang artista ay 'yung maganda o gwapo na hinahabol ng kamera, hinahangaan, iniidolo, hectic ang sked, laging may shooting; gumaganap sa pelikula; nag-iiba-iba ng role - minsan masaya, minsan malungkot, minsan tumatawa at madalas umiiyak; higit sa lahat, ang isang artista ay SIKAT!!!


AKO?! Isa akong artista!
  • MAGANDA, kaya lang nung bata pa ako, hindi na ngayon;
  • HINAHABOL din ako, pero hindi ng kamera, kundi ng mga naniningil ng utang;
  • HINAHANGAAN ako ng mga taong alam na ang katatagan ko sa buhay;
  • INIIDOLO ako ng mga kapatid ko;
  • HECTIC ANG SCHED ko - pumapasok ako sa unibersidad sa umaga, kasi kailangan, nagtatrabaho pagkatapos ng klase, at nag-gagala pagkatapos ng trabaho... Madaling-araw na ako nakaka-uwi sa bahay, siguro madalas alas-tres... Mga mahigit isang oras lang lagi ang tulog ko... Ayoko naman kasing tanggalin ang "pag-gala" sa routine ng buhay ko,,, sa dami kong problema, doon lang ako sumasaya, lalo na pag kasama si "TROPA"...; lagi din akong
  • MAY SHOOTING, sa katunayan araw-araw nga eh;
  • SIKAT ako!!! Kilalang-kilala ako nina Marlboro at Red Horse,,, isama mo pa sina M'Lights at Colt, sina EmPi at GranMa... Lahat sila kilalang-kilala ako at lahat sila gustong lagi akong kasama;
  • GUMAGANAP DIN AKO sa maraming pelikula,,,at
  • NAG-IIBA-IBA NG ROLE...

"ORaNge" ang screen name ko sa "Bahay", directed by Ako... Kailangan sa role ko do'n masayahin ako at responsable... Kailangan lagi kong mapasaya ang mga kapatid ko at maipakita sa kanila na wala kaming problema sa pamilya(kahit sobrang dami!!), kailangan maging matino at responsable para hindi mawalan ng pag-asa ang mga kapatid ko... Sa murang edad nila ngayon ay namulat na sila sa malaking problema ng aming pamilya at ito ang aking paraan para palakasin ang kanilang loob at patuloy na magsumikap sa buhay... Para sa kaalaman ng mga mahal kong manonood, hiwalay na ang aking ama at ina... Muntik na kasi silang magpalitan ng taga at saksak noong nakaraang dalawang(2) taon... At isa pang kaalaman,,, ang aking ama ay talamak sa paggamit ng shabu! Kaya iyon,,, nagka-letse-letse ang buhay namin!!!

"BaTa" naman ang tawag sa'kin sa "ISKUL", pelikula ng mga mandirigma... ("Bata" kasi xtra-small lang ang size ko) Doon dapat matalino ako,,, dapat laging nag-aaral, nakikinig sa prof., kunwari maraming alam, nagre-recite, mataas ang quizzes at exams, nagpapasa ng projects at assignments, term papers and research papers... At minsan, kapag may pagsusulit, pumindot ka lang ng "panic button", use your lifeline,,, call me your "friend", solb ka na! Lahat ng ito, lalo na ang pagiging late sa klase,,, 'yan ako sa UE.

Sa "Trabaho" by Manager, ako naman si "RaiNe"... Dito kunwari masipag ako,,, 'yung tipong hindi napapagod,,, lahat kakayanin,,, dapat Darna ang lakas ko,,, dapat laging nakangiti para walang customer complaints... Dapat mabilis kumilos parang si Kuya Cesar, este, si d'Flash pala, para hindi masita ni "Manager". Dapat din, mabilis kumain,,, kasi 30 minutes lang ang breaktime,,, e siyempre makikipagkita pa 'ko kay Marlboro pagkakain, kaya dapat 10 minutes lang tapos ka nang kumain... Sa role ko dito, dapat mahaba ang pasensiya ko:

  1. Para sa sermon ng Manager - manager mong bakla, manager na mapanglait, manager na bungagera, manager na non-sense, manager na baliw, manager na maniac at manager na hindi naman pala manager.
  2. Mahabang pasensiya din para sa ka-crew ko - ka-crew kong makulit, ka-crew kong low I.Q., ka-crew na weird, ka-crew na mabagal, ka-crew na maarte, mayabang, mabaho, amoy baktol, sinigang, sibuyas, bawang at bayabas, at ka-crew na kung umasta e parang manager!
  3. At isa pang pagpapasensiyahan ay ang lahat ng customers - customer na makulit, customer na matapobre, customer na lasing, customer na sabog, baog, nagdadabog, at kaltog, customer na amoy tinapay(Anong tinapay?!.. Putok.), kili-kili, paa, singit at kuyukot, customer na pipe, bingi, bobo, tanga, nagtatanga-tangahan, at customer na "all of the above"!!!
LETSE!!! ang haba ng pasens'yang kailangan sa role ko!!! Dito pinaka mahirap ang ginaganapan ko, kasi kahit pagod ka na, dapat ipakita mo na hindi pa! Kahit hindi mo na kayang buhatin ang mga trays, dapat kayanin mo pa din... At kahit hihimatayin ka na, dapat naglalakad ka pa! O 'di ba mahirap?! Mas madali pa sa perya,,, lumunok ka lang ng paru-parong buhay at paliparin mo sa tiyan mo(pa-ultrasound ka para makita nila...), Ok na!!! Pera agad... Kaya lang hindi 'yon ang role ko eh... Teka, teka... Trivia muna tayo... Alam mo bang wala pang nakalunok ng paru-parong buhay at nakapagpalipad nito sa loob ng tiyan niya?! Kung "oo" ang sagot mo, e 'di siguro na-gets mo na kung ano talaga ang gusto kong sabihin sa trivia ko... Pero sa kapakanan ng mga low I.Q. (O, joke lang! Walang gulpihan kung tinamaan ka sa sinabi ko!), sasabihin ko na ang gusto kong iparating sa trivia ko... Ang trabahong sinabi kong madali ay isang bagay na wala pang nakakagawa,,, ibig kong sabihin kaibigan, walang madali sa mundo, lahat ay pinaghihirapan... Pero 'wag kang maniwala sa 'kin, dahil sa totoo lang, meron naman madaling gawin,,, ang manlait, mang-asar, manira at pag-chismisan ang buhay ng ibang tao... 'Di ba? ☺ (Anyweyz, back to our topic.)

May isa pa 'kong role,,, ang pinaka madali sa lahat... "LoRaiNe" ang screen name ko dito... Ang role ko dito, simple lang, kung ano ako, 'yun na! Dito ko nailalabas 'yung tunay na ako, sa pelikula ng "TROPA" ko... Ako? Masayahin ako, pero nalulungkot din, tumatawa na parang baliw, at minsan umiiyak din... Tumatambay ako kasama ni tropa, nagyoyosi - Marlboro sa pula at sa puti, nag-iinom ng Red Horse, Colt, EmPi, GranMa, at kung minsan, 'pag wala na talagang kahit Jose Rizal sa bulsa, Gin-sipol... 'Eto ako... Nagmumura, minumura, natatawa, pinagtatawanan, nanggagago, ginagago, nagti-trip, pinagti-tripan, naninigaw, sinisigawan, nanloloko, naloloko, nagmamahal, minamahal, sumasaya, nagpapasaya, lumulungkot, ngumingiti at minsan umiiyak din...Kaya siguro ganito katigas ang puso ko... Hindi ako pwedeng maging malambot sa maraming dahilan ng buhay ko... Kay "TROPA" tumatatag ako,,, naiku-kwento ko ang iba't-ibang pelikulang ginaganapan ko... Ang lagi kong kasama? Si Marlboro, RED,,, kasa-kasama, namin ni "TROPA"...

Ako'y isang artista, dito sa malaking entablado ng mundo... Mahirap pero ito ang buhay ko, walang kasiguraduhan sa papel na ginagampanan...

Ikaw? Artista ka din ba?
Kwento mo din ang pelikula mo... Manonood ako...