Ano ba ang isang artista ?
Ang artista ay 'yung maganda o gwapo na hinahabol ng kamera, hinahangaan, iniidolo, hectic ang sked, laging may shooting; gumaganap sa pelikula; nag-iiba-iba ng role - minsan masaya, minsan malungkot, minsan tumatawa at madalas umiiyak; higit sa lahat, ang isang artista ay SIKAT!!!
AKO?! Isa akong artista!
- MAGANDA, kaya lang nung bata pa ako, hindi na ngayon;
- HINAHABOL din ako, pero hindi ng kamera, kundi ng mga naniningil ng utang;
- HINAHANGAAN ako ng mga taong alam na ang katatagan ko sa buhay;
- INIIDOLO ako ng mga kapatid ko;
- HECTIC ANG SCHED ko - pumapasok ako sa unibersidad sa umaga, kasi kailangan, nagtatrabaho pagkatapos ng klase, at nag-gagala pagkatapos ng trabaho... Madaling-araw na ako nakaka-uwi sa bahay, siguro madalas alas-tres... Mga mahigit isang oras lang lagi ang tulog ko... Ayoko naman kasing tanggalin ang "pag-gala" sa routine ng buhay ko,,, sa dami kong problema, doon lang ako sumasaya, lalo na pag kasama si "TROPA"...; lagi din akong
- MAY SHOOTING, sa katunayan araw-araw nga eh;
- SIKAT ako!!! Kilalang-kilala ako nina Marlboro at Red Horse,,, isama mo pa sina M'Lights at Colt, sina EmPi at GranMa... Lahat sila kilalang-kilala ako at lahat sila gustong lagi akong kasama;
- GUMAGANAP DIN AKO sa maraming pelikula,,,at
- NAG-IIBA-IBA NG ROLE...
"ORaNge" ang screen name ko sa "Bahay", directed by Ako... Kailangan sa role ko do'n masayahin ako at responsable... Kailangan lagi kong mapasaya ang mga kapatid ko at maipakita sa kanila na wala kaming problema sa pamilya(kahit sobrang dami!!), kailangan maging matino at responsable para hindi mawalan ng pag-asa ang mga kapatid ko... Sa murang edad nila ngayon ay namulat na sila sa malaking problema ng aming pamilya at ito ang aking paraan para palakasin ang kanilang loob at patuloy na magsumikap sa buhay... Para sa kaalaman ng mga mahal kong manonood, hiwalay na ang aking ama at ina... Muntik na kasi silang magpalitan ng taga at saksak noong nakaraang dalawang(2) taon... At isa pang kaalaman,,, ang aking ama ay talamak sa paggamit ng shabu! Kaya iyon,,, nagka-letse-letse ang buhay namin!!!
"BaTa" naman ang tawag sa'kin sa "ISKUL", pelikula ng mga mandirigma... ("Bata" kasi xtra-small lang ang size ko) Doon dapat matalino ako,,, dapat laging nag-aaral, nakikinig sa prof., kunwari maraming alam, nagre-recite, mataas ang quizzes at exams, nagpapasa ng projects at assignments, term papers and research papers... At minsan, kapag may pagsusulit, pumindot ka lang ng "panic button", use your lifeline,,, call me your "friend", solb ka na! Lahat ng ito, lalo na ang pagiging late sa klase,,, 'yan ako sa UE.
Sa "Trabaho" by Manager, ako naman si "RaiNe"... Dito kunwari masipag ako,,, 'yung tipong hindi napapagod,,, lahat kakayanin,,, dapat Darna ang lakas ko,,, dapat laging nakangiti para walang customer complaints... Dapat mabilis kumilos parang si Kuya Cesar, este, si d'Flash pala, para hindi masita ni "Manager". Dapat din, mabilis kumain,,, kasi 30 minutes lang ang breaktime,,, e siyempre makikipagkita pa 'ko kay Marlboro pagkakain, kaya dapat 10 minutes lang tapos ka nang kumain... Sa role ko dito, dapat mahaba ang pasensiya ko:
- Para sa sermon ng Manager - manager mong bakla, manager na mapanglait, manager na bungagera, manager na non-sense, manager na baliw, manager na maniac at manager na hindi naman pala manager.
- Mahabang pasensiya din para sa ka-crew ko - ka-crew kong makulit, ka-crew kong low I.Q., ka-crew na weird, ka-crew na mabagal, ka-crew na maarte, mayabang, mabaho, amoy baktol, sinigang, sibuyas, bawang at bayabas, at ka-crew na kung umasta e parang manager!
- At isa pang pagpapasensiyahan ay ang lahat ng customers - customer na makulit, customer na matapobre, customer na lasing, customer na sabog, baog, nagdadabog, at kaltog, customer na amoy tinapay(Anong tinapay?!.. Putok.), kili-kili, paa, singit at kuyukot, customer na pipe, bingi, bobo, tanga, nagtatanga-tangahan, at customer na "all of the above"!!!
May isa pa 'kong role,,, ang pinaka madali sa lahat... "LoRaiNe" ang screen name ko dito... Ang role ko dito, simple lang, kung ano ako, 'yun na! Dito ko nailalabas 'yung tunay na ako, sa pelikula ng "TROPA" ko... Ako? Masayahin ako, pero nalulungkot din, tumatawa na parang baliw, at minsan umiiyak din... Tumatambay ako kasama ni tropa, nagyoyosi - Marlboro sa pula at sa puti, nag-iinom ng Red Horse, Colt, EmPi, GranMa, at kung minsan, 'pag wala na talagang kahit Jose Rizal sa bulsa, Gin-sipol... 'Eto ako... Nagmumura, minumura, natatawa, pinagtatawanan, nanggagago, ginagago, nagti-trip, pinagti-tripan, naninigaw, sinisigawan, nanloloko, naloloko, nagmamahal, minamahal, sumasaya, nagpapasaya, lumulungkot, ngumingiti at minsan umiiyak din...Kaya siguro ganito katigas ang puso ko... Hindi ako pwedeng maging malambot sa maraming dahilan ng buhay ko... Kay "TROPA" tumatatag ako,,, naiku-kwento ko ang iba't-ibang pelikulang ginaganapan ko... Ang lagi kong kasama? Si Marlboro, RED,,, kasa-kasama, namin ni "TROPA"...
Ako'y isang artista, dito sa malaking entablado ng mundo... Mahirap pero ito ang buhay ko, walang kasiguraduhan sa papel na ginagampanan...
Ikaw? Artista ka din ba?
Kwento mo din ang pelikula mo... Manonood ako...

No comments:
Post a Comment